Kaatiman: Maiikling Kwento - Panimula [Filipino - Tagalog]

PANIMULA


Sa mga Kapuluan ng Pilipinas ay madalas magkwento ang mga tao tungkol sa mga anino na nakatira sa mga matatandang puno, mga mangkukulam na nakakapag anyong-hayop, at kung anu-anong mga nilalang na nagkukubli sa dilim na hindi nabibilang sa mundo na ‘to.


Ang iba sa atin ay naniniwala dito, at ang iba ay itinuturing lang itong mga kwentong katutubo. Pero paano kung tama nga sila? Paano kung mayroon ngang mga nilalang na hindi nabibilang sa mundo na ito? Paano kung nabibilang sila sa sarili nilang mundo? At kung gayunman, paano sila nakakarating dito?


Ang Kaatiman ay isang hindi-magkakasunod na pagtitipon ng mga kwento na sinusundan ang mga Kaatiman, isang lihim na kapisanan ng mga tagapagbantay ng mga mahiwagang lagusan, sa kanilang pagtuklas sa mga kababalaghan sa mundo ng Hiwaga at sa pagpuksa nila ng mga banta sa mundo ng Karaniwan, at sa kanilang pagsisikap na panatilhin ang kapayapaan sa mag-kabilang mundo.


Ang mga kwentong ito ay kabilang sa mas malaking pangunahing kwento na bahagi ng isang mundo na aking inilikha noong taong 2013, noong nagtatrabaho ako bilang isang costume designer sa isang lokal na TV station. Isinulat ko ang pangunahing kwento bilang isang palabas sa TV, at ngayon ay nais kong isulat bilang isang nobela at/o nobelang-komiks.


Basahin ang mga kwento:

I. Yanggaw

II. Kapatawaran

III. Nawawala (coming soon)

Comments

Popular posts from this blog

Kaatiman by Cheto See - Index

Kaatiman: Short Stories - Introduction [English]

Bathala and Alanón, an Excerpt [ENGLISH]